-- Advertisements --

Plano ng mga sundalo na nagpatalsik sa pangulo ng Mali na bumuo ng civilian transitional government at magsagawa ng bagong halalan.

Ayon sa tagapagsalita ng mga sundalo, ginawa lamang nila ang hakbang para maiwasang bumagsak ang kanilang bansa.

Nilinaw ng mga sundalo na tinawag ang grup na National Committee for Salvation for the People na ayaw nilang manatili sa kapangyarihan.

Magugunitang nagbitiw sa kaniyang puwesto si President Ibrahim Boubacar Keita para umano maiwasan ang pagkalat na ng dugo.

Mariing kinondina ng African Union at United Nations ang naganap na coup.

Magpupulong naman ang United Nation Security Council para pag-usapan ang naganap sa Mali.