-- Advertisements --

Lumipad na patungong Myanmar ang Philippine Contingent for Humanitarian Assistance and Disaster Response Mission para tumulong sa paghananap ng mga bikitma matapos ang pagtama ng magnitude 7.7 na lindol.

Nitong madaling araw ng Abril 1 ng isagawa ng send-off ceremony sa Villamor Airbase sa lungsod ng Pasay.

Nasa halos 200 ng mga personnel ng Philippine Air Force na kinabibilangan ng 505th Search and Rescue Group (SRG), PAF Aeromedical Teams, Aircraft Security Teams from the 710th Special Operations Wing (SPOW).

Sumakay ang mga ito sa C-130 Aircrew mula sa 220th Airlift Wing.

Una ng tiniyak ni Defense Secretary and National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) chairman Gilberto Teodoro Jr ang tulong ng ibibigay sa bansang Myanmar.

Magugunitang pumalo na sa mahigit 2,000 katao ang nasawi at mahigit 200 ang naitalang nawawala dahil sa pagtama ng malakas na paglindol.