-- Advertisements --
Naniniwala ang Ukraine na maaring umatras na sa pakikipaglaban sa kanila ang sundalo ng North Korea na sumanib sa puwersa ng Russia.
Ayon sa Ukrainian special forces na sa nagdaang tatlong linggo ay wala na silang nakitang mga sundalo ng North Korea.
Maaring umatras na ang mga ito dahil sa dami ng mga nasawi sa panig nila.
Noong nakaraang mga buwan kasi ay aabot umano sa 11,000 na mga sundalo ng North Korea ang ipinadala para makipaglaban kasama ang Russia.
Matapos ang ilang linggo ay nasa mahigit 1,000 mga sundalo ng North Korea ang nasawi.
Una ng ibinunyag ng South Korean intelligence agency na hindi nakapaghanda sa realidad ng labanan ang mga sundalo ng North Korea kaya nagulat sila at naging target ng mga drones ng Ukraine.