-- Advertisements --
Tuloy-tuloy na ang pag-alis ng mga sundalo ng US sa Afghanistan.
Kasunod ito ng naging kautusan ni US President Joe Biden na maalis ang mga sundalo nito sa Afghanistan hanggang Setyembre 11.
Mayroong maiiwan na ilang daang sundalo sa Afghanistan na itatalaga na magpoprotekta sa US Embassy at Kabul airport.
Naging mabilis na ang pag-alis ng nasa 4,000 na sundalong nakatalaga sa Afghanistan.
Sinabi naman ni General Scott Miller ang commander ng US-led mission sa Afghanistan na mahihirapan na magkasundo ang mga opisyal ng Afghanistan kapag wala ng mga sundalong US na tutulong para magsulong ng kapayapaan.