-- Advertisements --

Pinagbawalan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga sundalo na dumaan sa mga bus lane sa EDSA.

Ang nasabing kautusan ay inilabas ng General Headquarters na nakasaad sa isang Memorandum sa lahat ng AFP commanders at chiefs of offices sa Camp Aguinaldo, na inisyu noong July 2.

Sa nasabing memorandum, papatawan ng administrative at disciplinary action ang sinumang sundalo, na mahuli ng MMDA o PNP o maireport ng concerned citizens na nagmamaneho sa mga bus lane sa EDSA.

Ang hakbang ay para makatulong sa pagpapabilis ng biyahe ng mga pampublikong sasakyan, at makatulong sa pag-manage ng traffic sa EDSA.

Bilin ni AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos Jr. sa mga tauhan ng AFP, ang kanilang mga ranggo ay hindi nagbibigay ng awtorisasyon sa kanila na lumabag sa batas trapiko.