-- Advertisements --

Nagkasagupa ang mga sundalo ng Armenia at Azerbaijan sa pinag-aagawang Nagorno-Karabakh region.

Inakusahan ng Armenia na unang nag-lunsad ng air at artilleray attack.

Isinisi naman ng Azerbaijan ang Armenia na gumanti lamang sila sa nasabing atake.

Uminit muli ang kaguluhan noong nakaraang buwan matapos na ianunsiyo ni Turkey President Recep Tayyip Erdogan ang pagsuporta sa Azerbaijan at tinawag pa ang Armenia bilang pinakamalaking banta sa kapayapaan sa nasabing rehiyon.

Nanawagan naman ang foreign ministry ng Russia ng agarang ceasefire at pag-uusap ng dalawang bansa.

Kapwa bahagi ang dalawang bansa sa Soviet Union hanggang ito ay tuluyang maghiwalay noong 1991.

Ang Nagorno-Karabakh ay kinikilala sa buong mundo bilang bahagi ng Azerbaijan pero kinokontrol ng ethnic Armenians.

Gumagawa na ng paraan ang Organisation for Security and Co-operation sa Europe (OSCE) na binubuo ng mga bansang France, Russia at US kung saan pumirma na sila na ng kasunduan noong pang 1994.