-- Advertisements --
Gagamit ng sundalo ang Spain para sa paglaban sa coronavirus.
Ayon kay Spanish Prime Minister Pedro Sanchez, mayroong 2,000 na sinanay sa pag-tunton sa mga nadapuan na ng COVID-19.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng batikos ng mga eksperto ng kawalan ng mga virus trackers sa mga rehiyon gaya sa Madrid at sa Catalonia.
Maari rin aniyang humiling ang mga regional authorities sa kanila ng tulong sakaling nais nilang magdeklara ng state of emergency para malimitahan ang galaw ng mga tao.