-- Advertisements --
Tutulong ang mga sundalo sa Britanya sa mga pagamutan sa London dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa United Kingdom Ministry of Defense (MoD) na mayroong 200 mga sundalo ang kanilang itatalaga sa mga pagamutan sa London kung saan aabot sa mahigit 4,000 pasyente ang itinakbo sa nasabing pagamutan matapos dapuan ng COVID-19.
Mula pa kasi noong Enero 2, ay aabot sa 82,000 mga health care workers ang lumiban sa trabaho dahil sa takot na mahawaan ng COVID-19.
Dagdag pa ng MoD na mayroong 40 defense medics ang tutulong sa mga pasyente, habang ang 160 general duty personnel ay tutulong sa ibang mga trabaho gaya ng pagsusuri sa mga pasyenteng dumarating sa mga pagamutan.