-- Advertisements --

Inatasan na ni US President Donald Trump ang mga National Guard na umalis na sa Washington, DC matapos ang naganap na kilos protesta dahil sa pagkasawi ng black American na si George Floyd.

Sinabi ng US President na kaunti na lamang kasi ang nagsasagawa ng kilos protesta kaya babawasan na rin nito ang nakatalagang National Guards sa lugar.

Umaabot kasi sa 5,000 na ng mga National Guard ang itinalaga sa lugar kung saan 3,900 ay mula sa 11 estado habang 1,200 ay mga nakabase bilang Guard troops.

Kinumpirma naman ni Maj. General William Walker, commander ng DC National Guard na kanilang babawasan ang bilang ng mga sundalo simula ngayong linggo.