-- Advertisements --

Sulu
AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal and Wesmincom Commander Maj. Gen. Cirilito Sobejana

Persona na binisita kahapon, Sabado June 29,2019 ni AFP chief of staff Gen. Benjamin Madrigal ang probinsiya ng Sulu, isang araw matapos ang kambal na pagsabog sa Indanan.

Layon ng pagbisita ng chief of staff ay para personal na i-assess ang sitwasyon at bisitahin ang mga sugatang sundalo at pinarangalan sa kanilang ipinakitang katapangan.

Binigyan naman ng financial na tulong ng mga top AFP officials ang mga sundalong nasugatan sa pagsabog at maging ang pamilya ng tatlong sundalong nasawi.

Kasama ni Madrigal na bumisita sa Sulu ay ang bagong talagang Wesmincom commander na si Maj. Gen. Cirilito Sobejana.

Unang tinungo nina Madrigal at Sobejana ang kampo ng 1st Brigade Combat Team sa Barangay Tanjung kung saan nagsagawa sila ng ocular inspection at assessment hinggil sa pagsabog.

At pagkatapos ay tinungo ng mga ito ang Camp Teodulfo Bautista Hospital sa Jolo para parangalan ang mga sugatang sundalo.

Sa kabilang dako, ongoing din ang ang imbestigasyon ng SOCO sa blast site.

Tiniyak naman ng militar na lalo pa nilang paiigtingin ang kampanya laban sa terorismo.