-- Advertisements --
Mark Esper
Mark Esper/ Twitter Image

Lilipat sa Iraq ang mga sundalong Amerikano na una ng pinaalis sa Syria.

Ayon kay US Secretary of Defense Mark Esper, gaya ng plano ay ire-relocate ang nasa 1,000 na sundalo sa Iraq para matigil na rin ang pagkalat ng mga Islamic State.

Una ng sinabi ni US President Donald Trump na kaniyang pauuwiin ang mga sundalo.

Magugunitang inanunsiyo ni Trump ang pagbawi ng mga sundalo nila na nakatalaga sa Syria na siyang sinamantala naman ng Turkey sa pagsasagawa ng opensiba.