Iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) na tumaas ang bilang ng mga firecracker-related na sunog ngayong taon.
Ayon kay Fire Supt. Anne Atienza, tagapagsalita ng Bureau of Fire Protection nasa 19 na ang kanilang naitala kumpara sa nakaraang taon na lima lang.
Naniniwala si Atienza na maaaring tumaas pa ang bilang na ito habang papalapit ang Bagong Taon.
Ayon sa opisyal, mga problema sa kuryente ang pangunahing dahilan ng sunog nitong 2022.
Aniya, ang pinaka nangungunang cause of fire ay yung electrical ignition caused by arching.
Pumapangalawa ang electrical ignition pa rin by loose connection at ang g sikat na sikat na octopus connection, yung paggamit ng mga extension wires.
Pangatlo naman sa listahan ang smoking.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Atienza ang publiko na siguruhing ligtas ang kanilang pagdiriwang ng Pasko.