-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Magkahalong tuwa ang naramdaman nga mga residente sa Gensan matapos nagpalabas ng desisyon ang korte sa Butuan ng 8 counts na life imprisonment laban kay Joel Apolinario at mga KAPA officials.

Tuwa dahil nakatanggap na sila ng hustisya at lungkot naman dahil nawalan na sila ng pag asa na mabawi pa ang kanilang mga investments sa naturang PONZI investment scheme.

Samantala , naka zipper na ang bunganga nga mga die hard supporters ni Joel Apolinario matapos ma convict ito sa kasong syndicated estafa.

Karamihan sa kanila ang nahihiya ba sabiging biktima rin at naging kasabwat sa pamamalakad ng KAPA.

Kahit ang mga myembro ng Media na mga kasabwat ni Apolinario sa panloloko hinde na nagpakita ng ano mang suporta sa grupo.

Hinggil dito nag paabot naman ng mga positibong mensahe sa nitong himpilan ang mga sympathizers noong isiniwalat ang panloloko ng Kabus Padatuon.

Matatandaan ang Bombo Radyo gensan ang syang nanguna sa pagtanggal ng maskara ni Apolinario na nagresulta sa ibat-ibang harassment mula sa mga law enforcement units na kasabwat ng KAPA.