-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Abalang-abala ngayong ang Provincial Task Force ng Kalinga na naatasang magbantay laban sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Nag-iikot ang task force sa iba’t-ibang quarantine centers sa lalawigan bilang bahagi ng kampanya laban sa nasabing sakit.

Kasunod ito ng utos ni Governor Ferdinand Tubban na pagbuo ng task force na magbabantay at magsasagawa ng mga hakbang laban sa COVID 19.

Binabantayan din ng task force ang mga surveillance posts sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan.

Kabilang sa mga binabantayan ang mga pasahero mula sa ibang lugar at sumasailalim ang mga ito sa thermal test.

Nabigbigyan din ang mga paseho ng mga impormasion tungkol sa COVID 19.

Ayon kay Provincial Health Officer Ignacio Cawas, mayroong silid sa Kalinga Provincial Hospital na ginawang quarantine center para sa mga indibidwal na may sintomas ng COVID 19.