DAVAO CITY – Kinasuhan na ang siyam na suspek na nadawit sa pagkamatay ng modelo at negosyanteng si Yvonnette Chua Plaza.
Ayon sa resulta ng isinagawang imbestigasyo ng Special Investigation Task Force Plaza, isa sa tinuturong salarin ang dating PSG ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at commander ng 1001st Infantry Brigade na si Brig. General Jesus Durante III.
Kasama nito ang iba pang mga suspek na sina
Col. Michael Licyayo, Deputy Brigade Commander ng 1001st Infranty Brigade;
SSg Gilbert Plaza;
Sgt. Delfin Sialsa Jr.;
Cpl Adrian Cachero;
Private First Class Rolly Cabal;
PFC Romart Longakit;
mga sibilyan na sila Noel Japitan at alyas JAY R.;
at ang ang escort ni BGeneral Durante na si alyas Master Sergeant.
Silang lahat ay pinakakasuhan ng murder, theft, at obstruction of juctice.
Ipinahayag naman ni PRO 11 Regional Director, PBGen. Benjamin Silo Jr. na crime of passion ang itinuturing na nangungunang motibo sa krimen, kung saan kinumpirma naman ng NBI na may namamagitan kina Plaza at Durante, at marahin naisagawa ang nasabing krimen dahil sa selos.
Sa naging imbestigasyon ng SITG Plaza, sama-samang kinalap ng mga ahensya ang mga nakalap na ebidenysa bago at matapos ang insidente.
Kinilalang gunman si si Sgt. Delfin Sialsa Jr., at si Corporal Adrian Cachero naman ang kinilalang drayber ng motorsiklo na ginamit sa pagpatay kay Plaza nitong Disyembre 27, 2022 sa tanahan nito sa Green Meadows Subdivision, Tugbok District, Davao City.
Napag-alaman rin na inatasan pala si Noel Japitan na i-reassemble at palitan ang kulay ng motorsiklong ginamit sa krimen.
Sina Sialsa, Cachero and Japitan ay kusang sumuko sa pamamagitan ng extrajudicial affidavit, at nakapag-surrender rin ng mga ebidensya sa STIG tulad ng motorsiklo, suot na jersey, at ang baril na ginamit sa pagpatay kay Plaza.
Iginiit naman ni Sialsa na si Durante ang mastermind na nagpapapatay kay Plaza.
Nailahad naman ni Brig. Gen. Allan Hambala, assistant division commander ng 10ID, na pinasisibak nya sa pwesto sina Durante at Col. Michael Licyayo, Deputy Brigade Commander ng 1001st Infranty Brigade matapos madawit ang pangalan sa krimen.
Samantalang, naretrieve naman ng SITG ang isang laptop na naglalaman ng mga maseselang litrato at pag-uusap nila Plaza at Durante.
Nauna nang nag-post ng mga larawan si Plaza sa social media na nagpapakitang diumanoy binugbog siya ni Durante, at binabantaan rin nya ang biktima.
Naihayag naman ni Silo na “cleared but not yet closed” ang kasong ito .
Umaasa naman ang SITG Plaza na sasapat ang mga nasagap na tila sanga-sangang impormasyon tungkol sa kamatayan ng negosyante.
Kasalukuyang nakadetine sina Durante og Licyayo sa Fort Bonifacio Taguig, habang nasa kustodiya naman ng 10ID ng Davao City ang iba pang mga nasasakdal sa kaso.