-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kasong Rape with Homicide ang isinampa ng Davao City Police Office (DCPO) kahapon, Hunyo 5, ngayong taon laban sa tatlong suspek na gumahasa at pumatay kay Architect Vlanche Marie Bragas, na natagpuan sa isang Banana Plantation sa Calinan, ilang linggo na ang nakalipas.

Ayon kay Davao City Police Office (DCPO) director Colonel Albert Lupaz, kinilala ang mga suspek na sina Dennis Panzan, Kent Espinosa, Renato Bayansao at isang John Doe sa pamamagitan ng isinagawa nilang link analysis, na kung saan, makikita sa diagram ng krimen na konektado ang mga suspek sa kakila-kilabot na krimen.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang assessment sa affidavit ng dalawang taong sangkot sa nasabing krimen kung saan positibo silang kinilala ng mga hindi pa pinapangalanang witness. Ayon pa, isa sa mga suspek ang driver ng ombak, ang pasahero nito at isang lalaki na natagpuan malapit sa bahay ni Bragas.