-- Advertisements --
Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang mga Nigerian nationals na nasa likod umano ng cyber attack sa United Coconut Planters Bank.
Isinagawa ang pag-aresto sa dalawang condominium unit sa Solano Hills sa Sucat, Muntinlupa City.
Binubuo ng apat na Nigerian at isang Filipina ang inaresto sa operasyon.
Sa imbestigasyon nagsimula silang mag-withdaw ng pera noon pang Hunyo.
Magugunitang aabot sa P167 million ang nakuha sa nasabing banko.