-- Advertisements --

CEBU CITY — Nakakulong sa detention cell ng Labangon Police Station ang tatlong suspek na diumanoy kasama ng naka-AWOL na police officer at nangholdap sa isang security guard.

Ito’y matapos na nahuli ng PNP sa isinagawang follow-up operation na sina Mark Vergara, 28 anyos, Rico Acosta, 38 anyos, at Pepe Acosta, na sya umanong kasama ni Police Corporal Jobie Antipolo.

Kung maalala ay nauwi sa pamamaril ang nangyaring holdapan noong Agosto 13 ng hapon sa Brgy. Tisa, sa lungsod ng Cebu.

Ayon kay Pepe Acosta na hindi umano sya kasali sa planong paghoholdap at tinuturo nya si Vergara na sya umanong responsable sa naturang insidente.

Dagdag pa ni Acosta na wala sya sa lugar na pinangyarihan nang mangyari ang umanoy panghoholdap.

Ngunit mariing itinanggi din ni Vergara ang diumanoy planong panghoholdap kasama si Corporal Antipolo na namatay matapos mabaril.

Sinabi rin ni Vergara na wala din umano ito nang mangyari ang naturang insidente dahil nag-aaral pa ito nung panahong iyon.

Napag-alaman din na narekober ng pulis ang perang nanakaw ngunit nasa P190,000 ang natitira.

Kung maalala ay nagbarilan at bumulagta ang headguard na si Edwin Velos dahilan na kinuha ng angkas ng naturang pulis ang motor ng head guard dahil nandoon umano sa U-box ang pera na nagkakahalagang kalahating milyong piso na gagamitin sana bilang pasweldo sa mga empleyado.