-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tinutugis ngayon ng militar at pulisya ang grupo ni Salabi Mamintal na tinuturong utak sa pamamaril patay kay Brgy Tumbras Midsayap Cotabato Brgy Chairman Alcon Tubasan.

Nasawi rin ang Brgy Tanod na si Samaludin Bacor Inok at pagkasugat kay Armia Tubasan,maybahay ni Kapitan Tubasan.

Mismo ang asawa ni Tubasan ang nagturo kay Mamintal at mga kasamahan nito na syang namaril sa kanila.

Alitan sa pamilya at away sa politika ang ugat sa pamamaril sa mga biktima.

Matatandaan na pasakay ang mga biktima sa kanilang motorsiklo bago lang kumain sa isang karenderya sa Brgy Poblacion Midsayap Ncot ng bigla itong lapitan ng grupo ni Mamintal at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa naturang pangyayari at naisampa na rin kaukulang kaso laban sa mga suspek.