Kinasuhan na ng Quezon City Police District (QCPD) ang pitong suspek na nasa likod ng pamamaslang kay National Center for Mental Health (NCMH) chief Roland Luyun Cortez at driver Ernesto Ponce dela Cruz.
Ayon kay QCPD chief Brig. Gen. Ronnie Montejo, malaki ang kanilang nakuhang ebedensiya laban sa mga nasa likod ng pamamaslang.
Sa pamamagitan ng pagkaaresto ng isang suspek na si Albert Eugenio na mayroong standing warrant sa kasong murder ay ikinanta nito ang mga nasa likod ng pagpatay ay ang dating chief administrative officer na si Clarita Avila.
Habang ang mga gunman ay kinilalang sina Harly Pagarigan at George Serrano at ibang mga suspek ay sina Sonny Mitra, Edison Riego, Ma Christina Mitra Riego at Albert Eugenio.
Lumabas na ang ang motibo ng insidente ay may kaugnayan sa trabaho dahil ibinunyag ni Cortez ang mga nangyayaring anomalya sa ospital ay siya rin ang nagsampa ng kaso laban kay Avila.