-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang apat katao sa pananambang sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na sina Kalid Selongan,28 anyos,Ray Dodong Santander Benias,47,William Cantonis,41 at Darwin Cantonis,28,mga residente ng Barangay Fort Pikit,Pikit Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Harold Ramos na sakay ng motorsiklo ang mga biktima galing sa pamimingwit sa Brgy Silik ngunit pagsapit nila sa Brgy Ginatilan Pikit Cotabato ay bigla itong tinambangan ng mga hindi kilalang suspek gamit ang M16 Armalite rifles.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang mga biktima sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan kaya agad binawian ng buhay.

Ang mga suspek ay tukoy na at mga tauhan ng isang Moro Fronts kaya armado ng mga matataas na uri ng armas.

Dagdag ni Pikit Chief of Police Major Maxism Peralta na itoy alitan o rido sa pagitan ng Wacan Group at grupo ng 105th Base Command ng MILF.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa pananambang patay sa mga biktima.