-- Advertisements --

Ikinagalit ng mga fans ni Taylor Swifts sa ginawang malisyosong post ni dating US President Donald Trump.

Sa social media account ni Trump ay nagpost ito ng larawan na inindorso umano siya ni Swift.

Maraming fans ang nakapansin na ang nasabing larawan ay isang resulta lamang ng artificial intelligence.

Wala pa kasing naendorso ang singer na pagkapangulo ngayong taon subalit noong 2020 ay inindorso niya ang Democrats at naging kritiko pa ito ni Trump noong nakaupo siya sa puwesto.