-- Advertisements --

Nagsama-sama ang mga fans ni Taylor Swift para ipanawagan sa kanilang idolo na dapat suportahan nito si Vice President Kamala Harris sa nalalapit na halalan sa US.

Nakalikom din ang mga ito ng kabuuang $120,000 bilang donasyon kay Harris sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Umaasa ang mga ito na maglalabas na ang singer kung sino ang kaniyang susuportahan sa pagkapangulo.

Una ng itinanggi ng singer na inindorso niya si dating US President Donald Trump sa pagtakbo sa pagkapangulo.