-- Advertisements --

Ipinagbubunyi ng libo-libong Syrian refugees ang tuluyang pag-alis ni Bashar al-Assad sa pwesto.

Marami sa mga refugees ang una nang umalis sa Syria at nagtungo sa iba’t-ibang mga bansa upang iwanan ang burtal na pamamahala ni Assad sa loob ng 50 taon niyang panunungkulan.

Sa Germany, daan-daang Syrian refugees ang nagtipon-tipon sa mga lansangan sa Berlin, hawak ang mga poster na may mukha ni Assad.

Minarkahan nila ng pulang letter X ang mukha ng tumakas nilang lider habang isinisigaw na bumabalik na ang pag-asa para sa kanila.

Sa Sweden, daan-daang Syrian din ang nagtungo sa mga lansangan at iwinawagayway mga flag na may kulay na berde, pula, itim, at puti, ang mga opisyal na kulay ng Syrian opposition.

Kaparehong larawan din ang makikita sa Dublin, Ireland at London.

Sa Turkey, isa sa mga katabing bansa ng Syria, maraming refugees din ang nagtungo sa syudad ng Gaziantep, malapit sa border ng Syria.

Mayroong 3.1 million Syrian refugees sa Turkey, ang isa sa mga bansang pangunahing takbuhan ng mga residente.