-- Advertisements --

DAVAO CITY – Aarestuhin at Ikukulong ang sinumang residente na basta-basta na lamang lalabas sa kanilang mga bahay sa harap ng ipinatupad na lockdown sa buong Italy simula ngayong araw hanggang sa April 3.

Inihayag ni Bombo Radyo Correspondent Vivian Torres, tubong Davao city at halos 13 taon nang nakatira at nag-tatrabaho sa Italy na maaaring makulong ng tatlong buwan ang mga lalabag sa kautusan.

Pero, pahihintulutan pa rin umanong makalabas ng bahay ang mga may importanti at emergency na lakad pero dapat umanong pipirma sa isang Self Declared Document kung saan isusulat nito kung saan pupunta at kung ano ang gagawin.

Samantala, visible na rin umano ang maraming presensiya ng militar at mga police sa mga train stations at sa iba pang mga lugar kung saan maraming mga tawo ang magtitipon-tipon.