-- Advertisements --

LEGAZPI CITY — Inaasahan ang pagdating ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año sa Lungsod ng Legazpi sa Marso 11 kaugnay ng isasagawang joint Regional Peace and Order Council (PRPOC) at Regional Development Council (RDC) meeting.

Sinabi ni RPOC chairman at Legazpi City Mayor Noel Rosal sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na sa pagbisita ng opisyal, inaasahan na mabibigyang-linaw ang isyu tungkol sa pagpapalabas ng narco list.

Nauna nang inihayag ng DILG na nakatakdang ilabas sa susunod na linggo ang listahan ng mga pulitiko na sangkot sa illegal drugs.

Naniniwala si Rosal na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng narco list upang malaman ng publiko kung sino mga opisyal ng pamahalaan ang sakot sa illegal drugs.

Ito ay para na rin hindi na mailuklok pa sa pwesto ang mga narco politicians na ito sa darating na May 2019 midterm elections.

Samantala, magkakaroon din ng national POC meeting sa Davao City sa Marso 14 kung saan inaasahan na magbibigay ng direktiba patungkol sa mga gagawing hakbang upang mapanatili ang peace and order sa bansa ngayong midterm elections.