-- Advertisements --
Patuloy ang paalala ng mga otoridad sa mga kunsumidores sa Metro Manila, Bulacan at karatig na lugar na magtipid pa rin sa paggamit ng tubig.
Ginawa ni Dr. Sevillo David Jr., executive director ng national water resources board ang panawagan dahil sa patuloy na pagbaba ng nakaimbak na tubig sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan.
Ayon kay David, kahit tag-ulan na ngayon hindi naman tumatama ito sa watershed area ng Angat Dam.
Aniya, ang water level ng dam ay nasa 178.7 meters na mas mababa sa 180 meters na minimum operating level.
Ang mga residente sa Metro Manila ay umaasa sa steady supply ng tubig mula sa Angat Dam.