KALIBO, Aklan — Nagdulot ng napakalaking abala sa mga commuters at trapiko sa Seoul, South Korea ang mahigit sa 20 centimeters na pagbagsak ng snow simula noong araw ng Miyerkules hanggang Huwebes.
Ayon kay Bombo International Correspondent Aluh Abendan ng South Korea na halos lahat ng mga residente ay nagulat sa kapal ng snow na bumagsak kahit na may ipinalabas ang Korea Meteorological Administration na snow advisories lalo na sa palibot ng Seoul, mga lugar sa palibot ng probinsiya ng Gyeonggi at halos lahat ng bahagi ng bansa.
Ito umano ang naitalang heaviest November snow fall sa bansa simula noong 1907 o mahigit isang taon ang lumipas.
Sa kasalukuyan, balik na sa normal ang sitwasyon sa South Korea matapos na huminto na ang pag-ulan ng snow at nagtulong-tulong ang pamahalaan at mga mamamayan sa paglilinis ng mga niebe sa kalsada.
Apat na katawo ang napaulat na namatay sa pangyayari matapos magbanggaan ang mga sasakyan sa dulas ng kalsada.
Dumagsa rin aniya ang mga tao sa mga subway stations kahapon upang makaiwas sa trapiko at disgrasya dala ng makapal na snow.
Nakakaranas sila ngayong araw ng malamig na panahon sa negative 2 na temperatura.