Inabangan din ng mga dabawenyo ang pagdalo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng Quad Comm ng House of Representatives (HOR) ngayong araw.
Una nang inanunsyo ng komite na kanselado ang House Quad-Committee hearing ngayong araw ngunit kinalaunan ay nadesisyunan ng HOR na itutuloy nila ang hearing kasama ang imbitadong resource person na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
May ilang mga tagasuporta ni FPRRD na nagsabing posibleng itinuloy ng mga mambabatas ang pagdinig matapos na umalma ang mga tagasuporta ni FPRRD sa ginawang pagkansela ng komite.
Inabangan naman ng Dabawenyos at mga tagasuporta ni FPRRD ang mga sagot nito sa katanungan ng mga kongresista. Ipinahayag ito ng mga supporter ng dating pangulo sa kanilang mga social media account.