-- Advertisements --
prc Porac, Pampanga
Porac, Pampanga/ PRC FB photo

LEGAZPI CITY – Itinuturing na himala ng mga residente sa Castillejos, Zambales, na walang naitalang malaking pinsala at wala ring nasaktan sa kanila mula sa pagtama ng magnitude 6.1 na lindol.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), namataan sa layong 18 kilometro sa hilagang silangan ng Castillejos ang sentro ng pagyanig.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Maj. Joe Louies Lo Jr., hepe ng Castillejos Municipal Police Station, malaki ang pasasalamat nila sa Diyos na walang natanggap na ulat ng earthquake-situated injury o damage habang hindi rin nagdulot ng power outage ang lindol.

Kuwento ng hepe, bagama’t mistulang idinuyan ang kanilang lugar ay naging kalmado ang mga tao at nagawang ma-practice ang mga dapat gawin tuwing may lindol.

Batay na rin sa mga kuha ng closed circuit television cameras sa bayan ng Castillejos, sama-samang nagsagawa ng “duck, hold and cover” ang mga residente.

Sa ngayon, patuloy ang mahihinang aftershocks sa Castillejos kaya’t nasa labas pa rin ang police team katuwang ang mga barangay officials sa isinasagawang monitoring sa mga building at iba pang establishment sa bayan.

red cross rescue team pampanga
Philippine Red Cross deployed manpower and rescue vehicles to assist in the search and rescue operations in a collapsed supermarket in Porac, Pampanga