LEGAZPI CITY – Nagkaisa ang mga tagasuporta ng pamilya Batocabe sa pag-apela sa korte na bawiin ang desisyon sa pagpayag na makapiyansa at pansamantalang makalaya si dating Daraga Mayor Carlwyn Baldo.
Si Baldo ay nahaharap sa kasong double murder at anim na counts ng attempted murder na itinuturong mastermind sa pagpaslang kay Party-list Cong. Rodel Batocabe.
Inumpisahan dakong alas-8:00 kaninang umaga ang paglalakad ng mga ito patungo sa Halls of Justice sa Lungsod ng Legazpi habang bitbit ang malalaking itim na tarpaulin na laman ang panawagan ng hustisya para sa pinaslang na mambabatas.
Sinundan ito ng maikling programa na laman ang pasasalamat ng ilan sa mga tagasuporta sa nagawa ng mambabatas, habang saglit na nagpakita sa prayer rally at nagbigay ng mensahe ang biyenan ni Cong. Rodel na si Amy Duran.
Samantala, hinihintay din ng mga ito ang aksyon ng korte sa inihaing motion for reconsideration upang mapigilan ang napipintong pagpapalaya kay Baldo.
Nitong Miyerules nang maglagak na ng piyansang nagkakahalaga ng P8.7 million property bond ang kampo ni Baldo