CENTRAL MINDANAO – Nasa mahigit 250 tahanan ng mga katutubong Iranun sa Alamada, Cotabato ang napailawan sa pamamagitan ng Sitio Electrification Program.
Ang naturang programa ay bahagi ng mga isinusulong ng pamahalaan katuwang ang Cotabato Electric Cooperative (COTELCO-PPALMA).
Ayon kay Felix Canja Jr., General Manager ng COTELCO-PPALMA, kabilang sa mga benepisyaryo ng naturang programa ay mga residente ng Sitio Badac, Sitio Mimbalawag at Sitio Teren-teren sa Brgy. Dado at Sitio 93 at Sitio Tambunan sa Brgy. Guiling sa nabanggit na bayan.
Aniya, umaabot sa P18 million ang pondong ginamit sa naturang programa sa pamamagitan ng 1st District Congressional Office katuwang ang lokal na pamahalaan ng Alamada at ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPPAP).