-- Advertisements --

Inanusyo ng Commission on Elections (Comelec) na walang magaganap na voter registration sa kanilang mga tanggapan sa apat na nalalabing holidays ngayong taon.

Batay sa abiso ng Comelec, sarado ang kanilang mga tanggapan sa buong bansa sa Disyembre 24 (Huwebes); Disyembre 25 (Biyernes); Disyembre 30 (Miyerkules); at Disyembre 31 (Huwebes).

Sarado sa lahat ng uri ng transaksyon ang Comelec offices sa nasabing mga petsa.

Sa Disyembre 29 naman ang huling araw ng voter registration para sa kasalukuyang taon.

Habang sa Enero 4, 2021 muling magbabalik ang voter registration.