-- Advertisements --

ILOILO CITY- Lubog pa rin sa tubig baha ang ilang mga lungsod at lalawigan sa Western Visayas.

Ito ay kasunod ng walang humpay na pagbuhos ng ulan sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., sinabi nito na ang mga bayan sa 4th at 5th district ng Iloilo at Passi City ang labis na naaepektuhan ng mga pagbaha kung saan may mga bahay na inanod at nasira rin ang mga taniman ng palay.

May naitala ring landslides kung saan hindi madaanan ang ilang lugar partikular sa bayan ng San Enrique, Iloilo.

Apektado naman ang byahe papuntang Capiz at Aklan mula sa Iloilo matapos pansamantalang ipinasara ang kalsada sa Barangay Sarapan, Passi City dahil sa mataas pa rin na lebel ng tubig baha.