-- Advertisements --

Pinangunahan ni Marlon De Guzman, Founder ng Grace Guardians Hong Kong kasama nya ang ilang mga OFW’s na nakatira sa Capataan, San Carlos City, Pangasinan na nagta trabaho sa ibang bansa ang pagbibigay ayuda sa mga Frontliners na Barangay Tanods ng lugar.

DAG3
Brgy. Capataan

Ang nasabing ayuda ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng bigas sa mga ito.

Naniniwala si Marlon na higit pa man ay mas kailangan ng mga Frontliners ng moral at physical support lalo na ang tanod dahil sila ang nagpupuyat, at minsan naman ay ina abutan ng gutom sa mga checkpoints dahil sa pagpapatupad ng enhance community quarantine o ECQ sa buong luzon dahil sa banta ng nakakamatay na coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Higit pa diyan ang kanilang sakripisyo kapag may mga okasyon sa Barangay ay sila parin ang nagiging frontliners para sa kaayusan at katahimikan ng Barangay.

Dahil nasa ibang bansa bilang OFW si De Guzman ay pinanguahan ni SK Kagawad Rica reyes De Guzman at Grace Guardians Armando Casillan ang nasabing pamimigay sa Barangay Capataqn sa Pilipinas.