VIGAN CITY – Patuloy ang pagdagsa ng mga residente mula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng Ilocos Sur sa tanggapan ng DSWD Provincial Operations Office para sa educational assistance ng nasabing ahensya.
Ilan sa mga residente ay nagbabakasakali na kasama sila sa magiging benepisyaryo ng nasabing programa ng DSWD.
Una ng sinabi ni DSWD Assistant Regional Director for Administration Anniely Ferrer sa panayam ng Bombo Radyo na hindi umano lahat ng estudyante ay kwalipikado sa nasabing programa dahil limitado lamang ang pondo gaya ng ibang programa ng nasabing ahensya.
Inisa-isa ni Ferrer ang batayan sa kanilang pagpili ng makakatanggap ng Educational Assistance gaya ng working students, breadwinner, magulang na nasa abroad at distress o ung mga namaltato, nakabilango at na repatriate.
Maaraming magtungo ang mga estudyante sa mga Municipal or City Social Welfare and Development Office upang doon magpa-asses.