-- Advertisements --
Agad na pinalikas ang mga tao na bumibisita sa sikat na Eiffel tower sa Paris matapos ang pag-akyat ng isang lalaki.
Ayon sa otoridad, na bilang standard procedure ay kanilang pinalikas ang mga tao na karamihan ay turista sa iconic Paris landmark.
Maging ang mga tao sa karatig na park ay kanila na ring pinalikas.
Mabilis namang rumesponde ang mga bumbero para pababain ang hindi pa kilalang lalaki.
Mapayapang napababa nila ang tao.
Hindi lamang ito ang unang pagkakaton na inakyat ang 324-meter high na tower dahil noong 2012 ay isang Briton ang umakyat sa pinakatuktok ng tower at doon biglang tumalon.