-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hanggang sa ngayo’y nagtitiis pa rin sa lubhang mainit na panahon ang mga tao sa Espanya dahil sa naranasang heatwave sa buong Urupa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent Mhar Maranan direkta mula sa Barcelona, Spain, na dalawang linggo na silang hindi inulan kungsaan sa mahigit 30 taon na nilang paninirahan ng kanyang pamilya sa nasabing bansa ay ngayong taon lamangsila nakakaranas ng matinding init ng panahon.

Sa kabila nito’t wala pa silang planong mag-anak na umuwi ng Pilipinas lalo na’t wala siyang problema sa kanyang trabaho sa naturang bansa.