-- Advertisements --

Tinawag ni UK Armed Forces Minister Hames Heappey na “very credible” ang banta sa western countries na target sa terrorist attack ang Kabul airport sa Afghanistan kung saan libu-libobg katao pa rin ang nagtipon-tipon.

Nagmula umano ang babala sa intelligence reporting.

Kaya naman inabisuhan ang nasa airport na umalis muna dahil sa posibleng pag-atake ng ISIS-K na kalaban din ng Talibans.

Napag-alaman na puspusan pa rin ang evacuation mula sa Kabul, limang araw bago ang deadline para sa pag-alis ng US forces.

Dito ay mahigit 82,000 Afghans at foreign nationals na ang nailikas mula nang sakupin ng Taliban ang kanilang gobyerno.

Sinabi ng Amerika na nasa mahigit 10,000 pa kasama ang 1,500 Americans ang naghihintay na makaalis sa nasabing bansa.

Nauna nang sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na napagkasunduan nila ng Taliban na payagan ang mga Americans at “at-risk” Afghan nationals na lisanin ang kanilang bansa pagkatapos ng Agosto 31, ang petsa na itinakda ni President Joe Biden para sa full withdrawal ng US troops.