Nais malalimang imbestigahan ng ilang mambabatas ang umano’y mga tao sa likod ng nakumpiskang shabu sa isang PNP intelligence officer na nagkakahalaga ng halos P6.7 billion.
Ayon kay Chair of the House Committee on Dangerous Drugs Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers posible umanong hindi lang si Sgt. Rodolfo Mayo Jr. ang gugalaw dito dahil maaari raw na may pumuprotekta sa kanya.
“Sgt. Mayo, for all we know, is an owner of a lending institution catering to police officers. This, despite receiving a monthly salary of only P34,079.00. Is he the sole proprietor of his business which many believe is a convenient cover for his illegal drug activities?” sinabi pa ng mambabatas.
Bagamat sumusunod lamang ang kapulisan sa due process, hanggang ngayon raw ay wala paring update tungkol sa nasabing kaso kaya naman nais sana ng ilang mambabatas na madaliin ito.
“The current investigations being conducted by a PNP special investigation task group (SITG) created for the purpose have not come out with any substantial evidence or leads on Mayo’s case six months after he was arrested,” ayon pa kay Rep Barbers.
Ayon naman sa pahayag ni to PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., mayroon rin umanong isang ranking official na iniimbestigahan ngayon dahil siya umano ang reponsable sa pagbabalik kay Mayo sa PNP-DEG.
Kung matatandaan, narekober ang 890 kilos at 102 grams na shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon ito raw ay nakatago sa lending office na pag mamay ari ni Mayo.