-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Mahigpit na nagbabala ang bagong direktor ng Bureau of Fire Protection – Region 10 (BFP-10) laban sa pagtanggap ng suhol ng mga miyembro ng kanilang organisasyon.

Sa unang araw ng kanyang bagong area of assignment,sinabi ni BFP-10 Regional Director Chief Supt Rommel Tradio na dapat iwasan ng kanyang mga tauhan ang anumang uri ng suhol mula sa mga aplikante.

Ayon kay Tradio, hindi lingid sa kanyang kaalaman na may mga umiiral na ganitong isyu sa loob ng ahensya.

Bilang bagong opisyal ng BFP-10, sinabi ni Tradio na kanyang pangungunahan ang pagsasampa ng kaso laban sa mga tauhan na sangkot sa katiwalian, basta’t may sapat na ebidensya.

Ang pahayag na ito ay ginawa ni Tradio kasabay ng kickoff ceremony ng Fire Prevention Month na ginanap sa lungsod kahapon.

Binibigyang-diin ni Tradio na ang kanyang mga tauhan ay dapat maging huwaran ng integridad at katapatan upang masiguro ang tiwala ng publiko sa kanilang serbisyo. (video voice 6am news)