-- Advertisements --

Puspusan na ang pagsasanay ng mga tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tutulong para sa pagpapatakbo ng halalan sa ibang bansa sa 2025, kasama na ang internet voting.


Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, malaki ang kanilang pasasalamat sa mga tauhan ng DFA dahil sa malaking role ng mga ito para maging maayos ang pagdaraos ng eleksyon.


Maging sa mga paaralan ay sinisimulan na rin ng poll body ang voters education.


Para kay Chairman Garcia, mahalagang mapukaw ang interes ng mga kabataan na makilahok sa eleksyon, lalo’t gagamit na naman tayo ng bagong uri ng mga makina mula sa Miru Systems.


Maging sa iba pang lugar ay nakahanay ang roadshow ng komisyon para sa mas epektibong kaalaman ng taong bayan.
Kasabay nito, nagpapatuloy din ang voter’s registration na tatagal pa hanggang sa Setyembre ng taong kasalukuyan.

Top