Iniulat ng pamunuan ng Philippine National Railways na nananatiling kanselado ang biyahe ng kanilang mga tren na may rutang Lucena-Calamba-Lucena.
Kabilang sa mga kanseladong byahe ay ang mga ruta nito sa Bicol Region kasunod ng pagtama ng bagyong Kristine.
Sinabi ng PNR na hanggang sa ngayon ay patuloy ang pagsasagawa nila ng clearing operations sa kanilang mga riles .
Patuloy kasing inaalis ng kanilang Engineering Team ang mga nagkahambalang na punong kahoy sa kanilang mga linya.
Iginiit ng PNR na sa pamamaraang ito ay masusuri ng maigi ang kanilang mga imprastraktura kabilang na ang mismong riles, tulay at maging ang mga tren nito.
Layon rin nito na matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga mananakay.
Ito ang dahilan kung bakit sinisiguro nilang nasa kundisyon ang kanilang mga riles at tren bago ibalik ang kanilang byahe.