Babaguhin na ng World Health Organization (WHO) ang tawag sa COVID-19 variant para maiwasan na madungisan ang pangalan ng mga bansang pinagmulan nito.
Sinabi ni WHO COVID-19 technical head Maria Van Kerkhove na hindi nila papalitan ang kasalukuyang scientific names ng mga variant ng COVID-19.
Sa bagong sistema magiging Alpha na ang tawagg sa British variant B.1.1.7 habang ang B.1.351 na unang nadiskubre sa South Africa ay magiging Beta at ang Brazilian P.1 ay magiging Gamma.
Tatawagin naman ang Indian variant sa dalawang klase ang B.1.617.2 ay tatawaging Delta habang ang B.1.617.1 variant ay tatawaging Kappa.
Ayon pa sa WHO na kaya nila ginawa ang mga bagong tawag para madali itong mabigkas at hindi na rin magkaroon ng diskriminasyon sa mga bansa.