-- Advertisements --

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa harap ng Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila kung saan matatagpuan ang opisina ng Commission on Elections (Comelec).

Layunin nito ay upang ipaabot ang kanilang pagtutol kaugnay sa P400 tax deduction mula sa P2,000 travel allowance ng mga teacher-poll workers.

Tinawag ng ACT na “sobra” ang 20 porsiyentong bawas sa travel allowance ng mga gurong naglilingkod sa panahon ng halalan.

“Batay sa mga ulat mula sa kanilang mga regional unions, ang kanilang maliit na P2,000 na travel allowance ay sumailalim sa 20 porsiyentong buwis o kabuuang Php400 na bawas, sa halip na ang dating ipinatupad at pinagtatalunang limang porsiyentong buwis.

Dahil dito, nanawagan si ACT-NCR Union President Vladimer Quetua sa Comelec na tanggalin ang buwis na ipinapataw nito sa “meal allowances at honoraria” ng mga manggagawa sa teacher-poll.

Sinabi ng ACT na inuulit nito ang kahilingan sa gobyerno na “tax-exempt election service honoraria and allowances, na arbitraryong ipinataw ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong 2018.”