Iminungkahi ng mga telecommunications company sa bansa na dapat ay mabigyan sila ng subsidiya ng gobyerno para sa data plans ng mga karamihang Filipino na nakatira sa liblib na lugar.
Sa nasabing plano, ay magbibigay ang mga ito ng SIM cards na otomatikong mayroong 50 gigabytes na laman kada taon.
Ang nasabing sim cards ay maaaring magamit na ng limang miyembro sa isang bahay para magkaroon silang internet access sa edukasyon, healthcare, government services at economic opportunities.
Aabot sa 7,063 barangays ang itinuturing nilang geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) na binubuo ng nasa 25 milyon residente.
Una ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang State of the Nation Address na kaniyang susuportahan ang policy reforms para sa common towers na siyang magbibigay ng connectivity sa maraming Filipino.