-- Advertisements --
Tanggap ng mga telecommunications companies ang ratipikasyon ng registration ng mobile phone subscriber identity module (SIM) cards.
Ayon sa mga telcos sa bansa na handa nila agad itong ipatupad kapag tuluyan ng naging batas ito.
Karamihan sa kanila ay naniniwala na sa nasabing batas ay tuluyan ng masawata ang talamak na panloloko sa mga tao.
Makakatulong din aniya ito na mapalago ang digital economy ng bansa.
Base sa niratipikihan na batas, na lahat ng mga public telecommunications entities (PTEs) ay nire-require na irehistro ang mga SIM Cards kapag ito ay kanilang nai-activate.