-- Advertisements --
Idadaan na lamang ng mga sikat na tennis player sa video game ang pagbibigay ng donasyon para sa mga biktima ng coronavirus.
Isasagawa ng Madrid Open ang online competition mula Abril 27 hanggang 30.
Ang mananalo ng 150,000 euros o katumbas ng mahigit P8.2 million ang ibibigay na donasyon sa mga naapektuhan ng nasabing coronavirus.
Bukod pa sa nasabing premyo ay mayroong karagdagang 50,000 euros o mahigit P2.7M para sa mga lumalaban sa nasabing virus.
Iaanunsiyo sa mga susunod na araw ng organizer ang mga napiling maglalaro ng kanilang online games.