-- Advertisements --

Pinalawig pa ng hanggang Hulyo 31 ng International Tennis Federation (ITF) at ATP Tour ang suspension ng mga professional tennis dahil pa rin sa coronavirus pandemic.

Noong Abril kasi ay inanunsiyio nila na suspendido ang mga tournaments ng hanggang Hulyo 13.

Dahil dito ay kinansela na rin ng WTA ang apat nilang events sa Hulyo.

Tiniyak namang ng WTA na sila ay mag-uupdate sa Hunyo sa mga larong matutuloy.

Una ng inilipat sa 2021 ang WTA Rogers Cup na gaganapin sana sa Agosto 7 hanggang 16 sa Montreal matapos na ipinagbawal ng gobyerno ng Quebec ang pagsasagawa ng mga events hanggang Agosto 31, 2020.

Sinabi naman ni ATP Chairman Andrea Gaudenzi na kanilang pag-aaralang mabuti ang sitwasyon para sa rescheduling ng mga iba’t-ibang events.