Inaasahan ng mga bus terminals, panatalan na dadagsa ngayon ang mas maraming pasahero bilang tapos na ang holiday break ng mga ito.
200,000 ang naitalang mga pasahero ng Philippine Ports Authority Port Management Office (PPA PMO) ang inaasahang babalik ngayong ng Maynila mula sa kani-kanilang Christmas vacation.
Nauna na dito, noong unang dalawang araw ng Enero ay nakapagtala ng kabuuang bilan na 32,000 ang mga nagsiuwian sa pantalan.
Samantala, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) naman, inaasahan na aabot ng 620,000 ang mga magsisiuwian mula sa mga local at international flights simula Biyernes hanggang linggo.
Sa ngayon ay nananatiling maluluwag ang mga naturang transportation hubs simula pa petsa uno at inaasahan na maguumpisa ang peak nito sa Biyernes hanggang Linggo.